ngayo'y malapit ng mag wakas
pagsisisi'y 'di alintana
sa mata mo ay nakikita
minahal ka ng buong-buo
akalang pagtingi'y totoo
iyon ay hindi ko nakita
ako'y lilinlangin lang pala
dalangin ay bukas malimot
sa aking puso iyong dinulot
sakit na di ko inakala
na sa iyo ay madarama
![]() |
| photo taken from artbywicks.com |
kung nuon pa sana'y nakita
sakit sana'y 'di nadarama
subalit huli na ang lahat
upang sakit ay di kumalat
sana ikaw ay maligaya
sa hiwalayang magaganap
desisyon ay aking nagawa
upang tuluyan ng lumaya
--->krisfale

No comments:
Post a Comment